PAGTATAPON NG BASURA KUNG SAAN-SAAN
PAGTATAPON NG BASURA KUNG SAAN-SAAN
Dustin Micko P. Mendoza
10-Faith
Ang pagtatapon ng basura ay isa sa mga problemang pangkalikasan. Ito ay naging parang sakit na din ng mga tao sapagkat kahit alam nila na bawal ay patuloy pa rin nila itong ginagawa. Maadaming tao ang hindi nakakasunod sa proper disposal o sa pagtatapon sa tamang basurahan at kung ito ay magpapatuloy ay tayo din ang mahihirapan pagdating ng araw. Kaya ating gawan ito ng solusyon habang maaga pa.
Ang pagtatapon ng basura ay naging sakit na ng ilang mamayan sa ating bansa.Nagiging sanhi ito ng mga pagbaha , pagdumi ng mga ilog at paglaganap ng sakit dulot ng mabahong basura. Ilan lamang iyan sa mga nararanasan natin dulot ng pagtatapon ng basura sa kung saan saan.Ang pagtatapon ng basura kung saan saan ay walang magandang maiidulot saatin bagkos ito ay nakakapinsala sa ating kapaligiran, dulot ng kawalan ng respeto ng mga mamayan sa ating kapaligiran.Subukan nyong tumingin sa ating paligid may mga nagtatapon ng kung ano anong basura. Halimbawa balat ng kendi, sabihin na natin na ito ay maliit nga lamang na uri ng basura ngunit ito ay nagiging dahilan rin ng pagdumi ng kapaligiran tignan nyo ang kasabihan na "Maliit man sa inyong paningin ngunit nakakapuwing' ang ibigsabihin nito ay kahit na maliit na bagay ay makakapinsala saating kapaligiran.
Dapat nanating lutasin ang suliraning ito sa ating kapaligiran upang maagapan ang mga nagiging problema na dahilan nito. Unahin na natin ang dapat pagtapon ng basura sa tamang basurahan, sa kabilang banda ay meron namang mga basura na ating mapapakinabangan o nareresiklo gaya ng mg plastic bottles. Meron tayong tinatawag na Reduce, Reuse at Recyle. Ito ay ang 3R's mahalagang malaman ito ng mga tao sapagkat madami na ang napipinsala dahil sa pagtatapon ng mga basura sa kapaligiran.
REDUCE- tumutukoy sa pagbabawas ng basura na nakakasira sa ating kalikasan
REUSE-tumutukoy sa mga bagay na maari pang gamitin o mapakinabangan
RECYCLE-tumutukoy sa mga lumang gamit na maaring gawing bago at mapakinabangan ng iba.
Malulutas natin ang mga suliraning pangkapaligiran kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa.
https://www.panitikan.com.ph/bunga-ng-pagtatapon-ng-basura-kung-saan-saan
Comments
Post a Comment